LESSON 1:TAYUTAY
TAYUYTAY
KINAGISNAN NA LEKSYON:
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang
bigyan diin ang kanyang saloobin.
NILALAMAN: MGA
URI NG TAYUTAY
1. Pagtutulad (simile) – ginagamit sa paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang
tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp.
2.
Pagwawangis (metaphor) – katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito
gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad.
3.
Pagmamalabis (hyperbole) – lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay at
halaman
4.
Pagbibigay-katauhan (personification) – pagsasalin ng katangian ng tao sa mga
bagay, may buhay man o wala
5.
Pagpapalit-tawag (metonymy) – mahabang pangungusap na isang salita
lamang ang katumbas
HALIMBAWA:
1.Pagtutulad(Simile)
Siya ay katulad ng kandilang unti-unting
nauubos.

2.Pagwawangis(metaphor)
Ang Ina
ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas
ng buhay.

3.Pagmamalabis(hyperpole)
Nabiyak kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.

4.Pagbibigay-katauhan(Personafication)
Ang
buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.

5.Pagpapalit-tawag(metonymy)
Tumanggap
siya ng palakpak sa kanyang tagumpay.

PAGSUSULIT:
1-5. Ano
ang tayutay?
6-10.
Ano-ano ang mga uri ng tagutay?
11-12.
Halimbawa ng pagtutulad
13-14. Halimbawa ng pagwawangis.
15-16.
Halimbawa ng pagmamalabis.
17-18.
Halimbawa ng pagbibigay-katauhan.
19-20. Halimbawa
ng pagpapalit tawag.
Takdang-Aralin ( 20pts.)
Maghanap ng ibang uri ng tayutay at bigyan ng
halimbawa.
Sanggunian:
- Internet (Mga Uri ng Tayutay-slideshare)
- Wikipedia
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento